About Me

My photo
This is where the MAGIC happens. These are all my stories and some of the events and people I meet. This blog is simply for my own amusement. Feel free to comment, suggest and violently react. All stays anonymous in this blog.

Tuesday, February 28, 2012

Absenteeism

Absenteeism is a habitual pattern of absence from a duty or obligation. Traditionally, absenteeism has been viewed as an indicator of poor individual performance, as well as a breach of an implicit contract between employee and employer; it was seen as a management problem, and framed in economic or quasi-economic terms. More recent scholarship seeks to understand absenteeism as an indicator of psychological, medical, or social adjustment to work. (Thanks to Wikipedia)

Abesenteeism has always been an issue. Sa school man yan, sa trabaho o sa pagboto ng bagong mga officials ng bansa. Maski nga latest Supreme Court trial eh may mga umaabsent din. Anyways, I just had a talk with one of my manager about me being abset for one week from work. Ganito kasi ang nangyari kung bakit ako hindi nakapasok ng trabaho.

Namatay ang lolo ko, so after ng work week eh umuwi ako sa probinsya namin para makilamay. Ngunit pagbaba ko pa lang ng bus eh hindi na ako makahinga, at pagdating ko ng aming tahanan eh muntik akong matumba. So at first inignore ko muna (feeling ko kasi buntis ako, CHOS!) ngunit patuloy pa rin ang aking pagkahilo at hirap sa paghinga. Dumating ang tatay ko galing sa palengke, I told him na punta kami ng hospital para sana matignan ako. Ang tatay ko imbes na maconcern sa nararamdaman ko eh pinagalitan pa ako dahil daw uuwi na nga lang ako eh may sakit pa ako.

So syempre mainit na ulo naming dalawa, nung nasa tricycle na sya at ineexpect akong sumakay na, alam nyong ginawa ko? nag walk out ako at lumarga sa hospital na 1 hour away from our town. So pagdating ko nga hospital:

Sa Information:

Nurse: Anu po yun?
Ako: Magapapa-confine po.
Nurse: Sinu?
Ako: Ako po.
Nurse: Ngumiti (cute sya at sarcastic ang ngiti)
Ako: Ngumiti pabalik.
Nurse: Pa fill out po ng form at proceed po sa Minor OR.
Ako: Okay po. (habang kinikilig)

So chineck na nila ang vitals ko, tapos ECG tapos X-Ray. Then admitted na ako. After ko ma-admit my mom called from Malaysia. nagsumbong pala si Papa sa kanya. haha. Then I ask my mom to send papa to the hospital and bring some clothes.

Nakangiting dumating ang tatay ko kasama ang aking li'l brother.

Papa: Akala ko nasa ward ka.
Ako: Hindi ah kasama naman sa Health Card namin ang confinement eh.
Papa: Oh okay. Dapat pala T-Shirt dinala ko naka AC pala tong room.
Ako: Hahahahaha

So after several medication, dumating ang doctor. Ampogi nya!!!! Tapos ang diagnosis eh "Mild Scoliosis". Monday came and I got discharged. Diretso na sa lamay ng lolo ko. Ang daming tao nandun lahat ng sisters ni Mama except sya kasi nga hindi sya pweding umalis while working her Visa. So sige mingle mingle with relatives while watching lolo's wake. Nilibing si Lolo ng Wednesday ng umaga. Eto na ang complications...

Pagkatapos ng libing eh I received a text message from our POC asking why I did not call in. Sabi ko naman nagpaalam na kaya ako. Sabi nila eh hindi kaya. Naguluhan na ako at parang ayaw ko nang pumasok ulit ng trabaho.

So I chatted with my mom. I told her na I will be resigning na kasi tatanggalin din naman nila ako sa work.

Mama: bakit?
Ako: kasi nga daw hindi naaprove yung leaves ko
Mama: Akala ko ba approved na?
Ako: Hindi nga daw.
Mama: Anak hintayin mo na lang nan tanggalin ka nila kesa ikaw ang umalis. Kasi sabi sa Feng Shui malas daw ang mag change ng work for this year para sa Zodiac mo.
Ako: Wow! Feng Shui talaga? hahaha
Mama: Nama!

So I finally got back to work. I was handed yesterday a written warning about my violations. I signed it and bounced it back to my POC. Today my Manager talked to me about my comment on the written warning. She said that I am letting my emotions get into me too much. Then I realized na tama nga sya. I told her na I need to work on that. So she smiled and said sayang talaga you're a potential pa naman. Work on that and have this warning slide back. Then I smiled and nodded.

Lesson, try not to let your emotions get into you so much and attend to your responsibilities no matter how crucial the situation is. Grabe huh ang daming moral ng araw na toh. Whoah, it's not everyday that I get all these feedback and realizeation. I love this day!

No comments:

Post a Comment