Now since closed ang session at maraming tao sa labas ng apartment ko, mag uupdate muna ako ng blog ko.
Guys, sobrang tagal ng nung una akong nagblog. Magkukwento muna ako ng mga EXPERIENCES ko about love.
Hanggang ngayon naiisip ko pa din ang hirap at hinagpis na nadama ko nung tinurn down mo ako. Heto ako ngayon pinipilit bumangon sa isang masalimuot na nakaraan. Isa ka sa mga taong lubos kong minahal ngunit hindi nanaman nasuklian. Lagi kong tinatanung ang sarili ko kung anung mali sa akin. Pero wala talaga akong makita (wow conceited ang peg ng lola mo). Lagi kitang naiisip, lagi kitang gustong kasama ngunit hindi pwedi, kasi nga sabi mo sa akin eh hindi ako partner material at masyado akong bata (age doesn't matter pala huh?!).
Sobra sobrang heart ache ang inabot ko sayu. Pero sabi mo nga sa akin eh darating ang araw tatawanan ko lang din tong lahat (grabe abisuhan mo talaga akong tawanan ko nararamdaman ko sayu di ba?). Well anyways, mukhang yung panahon na binanggit mo sa akin dumating na.
Hindi na kita masyadong naiisip. Hindi na rin kita gaanong hinahanap. Mahal pa rin kita hindi magbabago yun, pero ang mahalaga sa akin ngayon ay ang pansarili kong kaligayahan (conceited much).
Tama na nga yang Heart Ache portion na yan!
Eto na lang! Action plan ko para magkalovelife:
1. Lumandi.
2. Kumerengkeng
3. Pumampam
4. Lumandi to the highest level.
Ewan ko lang kung paano ko gagawin yan mga yan. (Pavirgin much). Hindi pa rin ako inaantok. Waahhh...
Sa mga bloggers jan, anu sa tingin nyo ang dapat gawin ng isang tulad ko para magkalovelife?
Let me tell you something about myself muna bago kayu mag-abiso.
Ako po ay 21 years olad na iisa pa lang ang aking naging jowa, at ako po ay napakapihikang nilalang. Hindi po ako tumitingin sa itsura ng tao. I go for the personality. Naniniwala kasi ako na hindi naman itsura ang pakikisamahan mo kung di yung ugali. Pero halos lahat ng hindi gaanong gwapong lalaking nagustuhan ko eh ginusto ako. Ang labas eh mas choosy pa sila sa akin. Hahahaha.. O yan huh! Payu na mga kapatid.
No comments:
Post a Comment