About Me

My photo
This is where the MAGIC happens. These are all my stories and some of the events and people I meet. This blog is simply for my own amusement. Feel free to comment, suggest and violently react. All stays anonymous in this blog.

Monday, March 5, 2012

ONE LOVE and Mister J!

Well, as of now eh wala talaga akong mahita sa creative juice ko kaya hindi ako nag uupdate ng blog ko. Pero nang dahil sa tag ng isang friend kong si Mark Joe (thelastinnocentman.blogspot.com) na may instant promotion sa blog na to. Hahahah.. Oh nang dahil nga sa kanyang tag eh eto ako ngayon gumagawa ng blog about his questions.

Question and Answer ang peg nya kaya sige patulan na. Hahaha. At ang background song sa netshop to ay "Highway to HELL" What the heck???? LOL.. I'm on a highway to hell.. Yeah! Peg ko ang tugtug.. LOL

Magkukwento muna ako bago ako sumagot sa tanung mo. As my title goes, conceited ang blog na toh. About sa akin lahat.. Ako na! LOL.

Simulan ang kwento.

May kinalaman eto dun sa Dancing in Pain ko na blog. Remember nung pinilit kong sumali sa Cheerdance ekbalo ng aming companya. Dun nagsimula etong lahat. Sumali kasi ako dahil may bet akong lulur chips na kasali din ang name nya ay Charleston! Name pa lang lalaking lalaki na! Oo straight sya, pero kiber! Magalalandi ako. Yun na.. Hahahaha..

SO habang nag prapractice kami may napansin ako sa isang kong kasma. Medyo pa girl tong si bilat. Eh normally naman becking becky si atchi. At na confirm ko na pati sya pala eh bet nya etong si #ONELOVE. SO ayun umamin din si atchi sa akin na bet nga nya. Affirmative! So ang laro eh makascore ng pasimple sa kanya.

Ayun si atchi nagpapansin, sayaw ng sayaw. Medyo Napansin naman sya. Pero ako kinabog ko si atchi dahil sya ang lumapit at nakiinum sa baso ko.. Nakita ko ni atchi, nanggagalaiti si atchi.. 1 point na lahat!

Sumunod na eksena, may nagdala ng silvanas sa rehearsal area. So since close kami nung tao, binigyan nya ako ng isa. At alam nyo ginawa ko? Nilapitan ko si ONE LOVE at sinubuan....
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Ng Silvanas of course. Napansin eto ni Atchi. At lumapit at sinabing "IKAW na!" Oo ako na nga. Hahahahaha.


Fast forward..

Tapos na ang competition ng Cheerdance Keme ng companya. Time to go ika nga. Inimbita ako ni ONE LOVE sa house nila at nag inuman. Pero walang nangyari panu naman kasi may jowa pala sya.. SO mejo jealousy mode ako.. Hahahaha.. Bakit nga ba one love tawag ko sa kanya.. Kasi yung tatto nya sa arms eh one love nakalagay.. TAPOS!


PRESENTING: Mister J. Kasama ko din sya sa Cheerdance keme. Isa syang silent type na tao. Tahimik pero cute naman in fairness. Nilalandi ko sya ng pahapyaw during rehearsal kasi nga ang concentration eh kay ONE LOVE. Etong si Mister J eh gumaganti sa lahat ng banat at mejo touchy touchy si kuya. Ako naman sige lang ng sige. Kinikilig a bit but I wish si ONE LOVE na lang yun. Tapos biglang one time lumindat sya sa akin at nag smile. So speechless ako. Hindi ako nakareact. Waaaahh.. Mukhang may gusto sya sa akin.. LOL

Kahapon! Lunes, fresh pa lahat ng pangyayari. Magka email ang group about what happen on the competition. SO si Mister J hindi gaanong nagrereply kasi nga dedicated agent sya.. LOL..

I have decided  to PM him. Nagulat ako nagreply agad. Ayun mejo mejo nacoconfirm ko na sya ay may gusto talaga. Then our conversation is filled with flowery words about each other. Nariyan pa yang napakwento sya about himself. OH close na agad ang peg. Kinikilig pa din ako hanggang ngayon. Hahaha

Eto last kung email sa kanya bago umalis ng opisina. Sabi ko" Simula ngayon Baby na kita, wala ka nang magagawa,." Secret lang natin wag ka mag alala.. hahaha..

Since out na ako sa opisina, sinadya ko naman sya sa station nya. Kinalabit ko sa batok as I always do. bigla ba namang hinawakan ang kamay ko at nag apologize for not replying right away. Ang lola nyo kulang na lang mag faint! WAAAAAAAHHHHH!!!!

Sana lang talaga tuloy tuloy na toh.. Hihihihihi

Eto na ang Q&A portion:

11 QUESTIONS FOR MY TAGGED FRIENDS


Please enumerate the 204 sovereign states in the world and their capital cities. Joke lang, ang tanong eh How are you?

Keri naman ako medyo masaya naman. Simula nung umalis ka mark Joe! Lol

Are you still a virgin?

Oh YES! Sa bababe nga lang! LOL..

Do you believe in reincarnation?

Sure do! Feeling ko eh isa akong dyosa dati na nagkatawang lupa na!

What is the essence of being gay?

Being Happy! Being yourself no matter how hard it is to live in this world. Ipakita mo kung sinu ka talaga. Wala na yang takot takot. malapit na end of the world according to Mayan Calendar! LOL

If you could become an animal for 1 day, What animal would you be? Why?

Bird! I really wan to fly! Serious to! I want to see the world in a Bird's eye view!

Where is the most beautiful place in the Philippines?

Sa Baguio kasi malamig at mababait ang tao. Pero okay din naman sa kahit saan dito wag lang dun sa lugar na marahas.. Hahahaha

How many friends do you have in facebook?

About 699 round it up, marami apa akong hindi naadd na friends jan... hahahaha

Which would you rather have, beauty or brains? Explain.

Brains and good personality. maganda ka nga wala ka namang alam, wala ka din pupuntahan kundi sa clubhouse bagsak mo jan. Hindi ko dinidescrimnate ang mga pokpok ah.. Basta mas maganda pa din yung may knowledge ka at may manners. Yun ang point of view ko.

Fight or flight? Bawal ang It depends.

Flight! I want to go abroad! LOL.. HIndi ko man naintindihan to.. hahahaha

Kung kasali ka sa Survivor Philippines, ano yung 2 essential things na dadalhin mo?

Mahirap to ah..... Nanay at tatay ko.. Hahahaha.. Family oriented much!

Aside from English and Filipino, do you speak any other languages? Please enumerate if there are any.


Wala na! Dialects lang alam ko! Hahahaha.. To clarify hindi ako linguist.. hahahaha




O yan huh.. Nasagot ko na lahat.. 



Thursday, March 1, 2012

Stranger Danger


After I have posted "Sonny Boy" I went home for tulog purposes. Eh di syempre dahil nga ang out ko eh 3 AM in the morning, malamang sa malamang nyan na madaling araw pa din nun.
 
So while  I was walking going home, tumigil ako saglit at nagtweet na matutulog na ako. Nasa harap ako ng Hotel 45 kasi nga walang signal dun sa apartment namin. I was somking while tweeting. Then all of a sudden came a stranger with this line on hand "Are we GOOD?" So napatingin ako at napatanga. Medyo kinabahan ako sa kanya, but he asked me another question sabi eh "should we smoke somewhere else?" 
 
Eto na, medyo nagsink in sa akin na madaling araw pa lang nun mgapanahong yun. So naisip ko na baka he taught that I am some kind of a "Call Boy". Indeed hindi sya nagkamali. Call boy nga ako, pero I am an expert in taking calls not that type of call boy you think. So when I got myself composed again, sabi ko sa kanya "I'm sorry, I guess you are supposed to be meeting someone here and you have mistaken me to be that person." Well, napaka-mouthful lang ng ibinato kong linya sa kanya. Hahahaha
 
Ang banat nya pabalik eh "No. I am not meeting anyone here." Then I told him bluntly na "Sorry I am BUSY." Tapos nagtanung nanaman sya " why are you busy?" (kulit much? LOL)
 
Nagwalk out na ako. Tapos sa awa naman ng dyos eh hindi ako sinundan. I swear those minutes are the scariest I had in years.
 
Tapos after I slept, diretso na ako ng dance rehearsal namin. Biglang akong tinanung kung kamusta naman daw ang "Stranger in the night" ng co-dancer ko. Tapos yun kinwento ko. Nakalimutan ko tinweet ko pa pala bago ako matulog. Hahaha