About Me

My photo
This is where the MAGIC happens. These are all my stories and some of the events and people I meet. This blog is simply for my own amusement. Feel free to comment, suggest and violently react. All stays anonymous in this blog.

Monday, October 1, 2012

"Sean" Isang Istorya!


Unang Yugto: Ang Pag-Amin

This story is an excerpt from my own experience. However, due to some cybercrime law, I will be presenting this whole story with some touch of fiction attack. Character names are not necessarily connected to the person I will be including in this blog. Enjoy reading!

Setting: Baguio City, Philippines
Characters:
 Mart – The Best friend
Sean – The main character
Mike – lover ni Mart

Nagsimula ang lahat sa isang application sa trabaho at dito rin nagkakilala sila Mart at Sean. Naging magkasabay sila sa mga bagay bagay sa kompanyang pinapasukan nila. Si Mart ay kasalukuyan noong may karelasyon ang pangalan nya ay Mike.

Masaya si Mike at Mart na magkasama, habang si Sean naman ay malugod na sinusuporthan ang kanyang kaibigan sa kanyang relasyon. Naging masaya ang samahan nila Sean at Mart. Ngunit ng ipakilala ni Mart si Sean kay Mike ay medyo napansin ni Mart na may konting ilangan sila Sean at Mike. Well syempre unang pagkikita, normal lamang na ganoon ang maramdaman nila sa isat’ isa.

Isang taon ang nakalipas at lahat sila ay galak na galak sa pagsasama nila. Si Mart at Mike ay masayang namumuhay kasama si Sean. Close na sila Sean at Mike, na ikinatuwa naman ni Mart.

Ngunit may isang sikretong inililihim si Sean na maaaring makasakit kina Mart at Mike. Nagmunimuni si Sean sa mga nangyayari at nais nyang itago na lang ang sikreto nya hanggang hukay. Subalit sa mga sumususunod na mga buwan eh mukhang lahat ng bagay eh naging komplikado.

Nalilito si Sean kuung anu ang gagawin nya. Mahal na ni Sean si Mart at ayaw netong masaktan si Mike. Sobrang nahihirapan na si Sean sa sitwasyon nila dahil nasasaktan syang makita si Mart at si Mike na masaya habang siya ay nagdurusa.

Isang hapon, inimbita ni Sean si Mart para magkape. Pumayag naman si Mart dahil wala naman silang naitalagang lakad ni Mike. Nung hapong din yon eh nagpasya si Sean na sabihin na kay Mart ang itinatago nyang lihim na pagtingin.

Nanginginig si Sean at parang ayaw na nyang sabihin pa kay Mart ang bagay na kanyang itinatago. Well Sean took his courage into the next level and blurted out what he feels toward Mart. He said to Mart that he loves the person. Sean was expecting an awkwardness between the conversation, but there were no such awkwardness felt kasi nga nung sabihin ni Sean kay Mart ang feelings nya eh tinawan lang eto ni Mart at sinabi kay Sean na “Mawawala din yan. Marerealize mo din soon na di mo ako kailangan at pagtatawan mo lang yang feeling nayan.”

Sean was shocked about the response that he got from Mart. Although naisip din ni Sean na mas okay na yung reaction ni Mart na ganun kesa magkailangan pa sila. Sean was expecting Mart to tell Mike about his discovery. At yun pa ang mas ikinatakot ni Sean. Pero relieved na din si Sean dahil nasabi na nya ang matagal na nyang dinadamdam.

Naisip ni Sean na baka sugurin sya ni Mike at pagsasampalin. Well paranoid Sean is expecting the worse. Naisip nya na baka kahit okay kay Mart na may feeling ang best friend nya sa kanya eh baka naman masamain ni Mike eto. Dumaan ang mga araw at mukhang naging cold ang pagsasamahan ni Mart at Mike. Natakot si Sean na baka sya ang dahilan ng lage nilang di pagkakaunawan.

Well, hindi naman eto nabrobrought out ni Mart kay Sean at takot din magtanung si Sean about the situation. Since things are slowly going to a downward spiral eh nagpasya si Sean na tigilan muna ang palagiang pagbobonding nila ni Mart.

Ngunit after several weeks eh nabalitaan ni Sean na naghiwalay si Mart at Mike. Nagulat si Sean at di nya matiis kamustahin ang kalagayan ni Mart. Nahihirapan si Mart sa mga nangyayari sa kanila ni Mike at mukhang nakadagdag pa ang pag-amin ni Sean about his feelings.

“Eto po ang simula ng isang nobela ng buhay ni Sean. Abangan po ang susunod na yugto.”

No comments:

Post a Comment